ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga patok at trending na pampalipas oras, alamin kung ano-ano sa 'I Juander'




I Juander, ano-ano ang mga patok na libangan sa bayan ni Juan?
 
Sa mga libreng oras ni Juan, ano nga ba ang kanyang pinagkakalibangan?
 
Ang iba, nakikiuso sa paggawa ng Dubsmash videos. Kilalanin ang online sensation na sumikat sa pagda-dub ng mga linya ng TV personality na si Kris Aquino! Ang mga komedyanteng sina Betong at Sef Cadayona, matuwa naman kaya sa duma-dub sa kanila?  
 
Kung noong isang taon, nauso ang Ice Bucket Challenge, ngayon naman, may Kylie Jenner Lip Challenge.  Ito raw ang pinagkakalibangan ng mga gustong magkaroon ng pouty lips.
 
Hindi na rin daw uso ang selfie dahil ang bago ngayon, “belfie”!
 
Alamin din ang mga dating libangan ni Juan na unti-unti nang naglaho at napalitan.
 
Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa isang nakalilibang na usapan ngayong Miyerkules, alas-otso ng gabi sa GMA News TV.