ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga problema sa sektor ng edukasyon sa bansa, siniyasat ng 'I Juander'






I Juander Education Special
EDUKASYON: Saku-sakong Pangarap
May 27, 2015
 
Ang edukasyon ay hindi isang pribilehiyo kundi isang karapatan. Pero, I Juander bakit nga ba tila naipagkakait ito sa marami nating kababayan?
 
Dito sa bayan ni Juan, nasa anim na milyon ang bilang ng mga out of school youth. Sila ang hindi makapag-aaral sa darating na pasukan. Pero ang ilan, tila hindi sinusukuan ang kanilang pangarap.
 
Kilalanin ang batang si Bugoy na tubong-Navotas. Sa kagustuhan niyang makabili ng bagong uniporme, suma-sideline siya sa pagta-taliptip ng tahong. Sinisisid din niya ang mga nahuhulog na tahong mula sa dumadaong na bangka.
 
Sa probinsya naman ng Abra, tina-tiyaga ng batang si Shane ang paglusong sa ilog para pumala ng graba at buhangin. Ang pera na kanyang kinikita rito, iniipon niya para ipambili sana ng labinlimang kuwaderno.
 
Pero magkasya kaya ang kinikita nila para maibili ng mga gamit sa eskuwela? 
 
Ngayong Miyerkules, alamin ang mas malaking problema sa kahirapan at edukasyon na sinasalamin nina Bugoy at Shane --- sa espesyal na pagtatanghal ng I Juander, ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.