ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga social experiment tungkol sa malasakit sa kapwa at bayan, abangan sa 'I Juander'

I Juander, may pakialam pa ba si Juan sa kanyang kapwa at bayan?
Ka-Juander, handa ka bang maging pakialamero o pakialamera, para sa kapakanan ng bayan at ng iyong kapwa? Ito ang inalam nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario para sa espesyal na pagtatanghal ng I Juander ngayong Araw ng Kalayaan.
Kapag nakita ni Juan ang kanyang kalahi na minamata ng isang dayuhan, handa ba siyang makialam? Sa mga matatanda, may kapansanan at mga pulubi sa daan – handa rin bang tumulong si Juan? O baka naman may “paki” lang siya kapag isang magandang dilag ang nangangailangan?
At kung maaktuhan ni Juan ang panti-trip na ginagawa sa kanyang kapwa, makialam kaya siya o magbubulag-bulagan na lang para hindi madamay?
Ilan lang ito sa samu't saring mga social experiment na sasagot sa tanong niJuan: I Juander, may pakialam pa ba si Juan sa kanyang kapwa at bayan?
Ang nakagugulat na resulta, abangan ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular