ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga 'The Best' na ama, bibigyang pugay sa Father's Day Special ng 'I Juander'




“I Juander: Bakit nga ba The Best ang mga Haligi ng Tahanan sa Bayan ni Juan?”
 
Ayon sa kasabihan, “Anyone can be a father, but it takes a real man to be a dad.” Sa madaling salita, ang pagiging tatay ay isang mabigat na responsibilidad.  
 
Kaya para malaman ang tunay na tibay ng mga haligi ng tahanan sa bayan ni Juan, isang epesyal na episode para sa mga ama ang handog namin ngayong Miyerkules.
 
Samu’t saring kuwento ng mga tatay at ang kanilang kaakibat na reponsibilidad sa pagtaguyod ng isang pamilya.
 
Tunghayan ang istorya ni “Pewee” na isang “Dading” o daddy na bading. Saksihan kung paano niya tunay na nagagampanan ang papel ng isang ama.
 
Pagkukunan naman ng mahalagang aral ng buhay ang ibibigay sa atin ni Zoren na sa edad na labing dalawa, tumayo na sa mga sariling paa at pilit na itanataguyod ang pamilya.
 
Siyempre sa espesyal na araw na ito para sa ating mga Daddy, alamin din ang mga bagong pasyalan kung saan puwedeng i-blowout ang ating mga erpats!
 
At matuwa kaya si Cesar sa aming inihandang espesyal na sorpresa para sa kanya?
 
“I Juander: Bakit nga ba the Best ang mga Haligi ng Tahanan sa Bayan ni Juan” – isang Father’s Day Special nitong Miyerkules ganap na alas-otso ng gabi sa GMA News TV.