ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagkahilig ng mga Pinoy sa pagkaing may gata, alamin kung saan nagmula sa 'I Juander'




I Juander, bakit mahilig sa mga pagkaing may gata si Juan?


Ang mga Pinoy, talaga namang mahilig kumain.  At ang isang pagkaing hindi mawawala sa hapag ng bawat Juan – mga pagkaing… may gata!

Ang tinaguriang Culinary Capital of the Philippines – may ipinagmamalaki raw na mga putaheng may gata… Ang kanilang mga specialty, ang “Kuhol sa Gata” at "Bringhe".

Pero may bagong putahe raw ang mga taga-Pampanga. Nakatikim na ba kayo ng Ginataang Palabok?

Ginalugad din namin ang iba’t ibang probinsya na may kanya-kanyang pambatong pagkaing may gata.





Sa Batangas malalantakan ang “Tulingan na Sinaing sa Gata” at ang sarili nilang bersyon ng biko na may gata - ang “Sinukmani”!

Ang bayan naman ng San Juan sa probinsya pa rin ng Batangas, may kakaibang isinasahog sa gata… Isang uri ng alimango na kakaiba raw ang histura – ang kungo!

At siyempre hindi magpapatalo ang Laguna sa kanilang pambatong putahe na ensaladang talong pero lasang barbecue?! Halinat tikman ang “Kulawo”!

Matakam din sa ipinagmamalaking mga putaheng may gata ng mga ka-Juander natin sa Mindanao: ang “Kurma” ng mga Tausug sa Davao at “Bagoong Ginataan sa Inihaw na Isda” ng mga taga-Zamboanga!

Samahan kami mula Luzon, Visayas at Mindanao at alamin kung gaano ba kahalaga ang gata sa ating mga Pilipino.

Alamin ang kasagutan sa tanong ni Juan sa darating na Miyerkules… “I Juander, bakit mahilig sa mga pagkaing may gata si Juan?”, 8 PM sa GMA News TV!