ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'I Juander', ano ang kuwento ng mga prutas na matitikman tuwing tag-ulan?




Sa bayan ni Juan, all-year round makakalasap ng iba't ibang mga prutas. Pero ngayong miyerkulers ng gabi, tiyak na mangangasim at maglalaway kayo sa panonood ng mga prutas sa tag-ulan sa I Juander.

Alamin kung alin nga ba ang tunay na “Fruit of the Gods”, ang mangosteen ba o mabolo? Pumatok din kaya kina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang mga putaheng sinahugan ng dalawang prutas na ito? 

Pero may mga “rainy season fruits” na sa negatibo naman naiuugnay. Bakit nga ba balimbingbing ang tawag sa mga taong papalit-palit ng isip? At bakit tinawag na “prutas ng pagkakasala” ang ubas? 

Ngayong Miyerkules, hindi lang malalasap ni Juan ang sarap ng mga prutas na ito. Kundi mabubusog din siya sa impormasyon tungkol sa alamat kaugnay ng pinagmulan ng mga ito.
Kaya tutok na ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, anu-ano ang mga alamat at kuwentong-bayan ng mga prutas na matitikman lang tuwing tag-ulan?

 

Tags: ijuander, pr