ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Ano ang mga kuwentong kababalaghan ng ilang artista sa bayan ni Juan?

I Juander, ano ang katotohanan sa likod ng mga kababalaghan ng ilang sikat na tao sa bayan ni Juan?
Ngayong buwan ng Oktubre, maghahari na naman ang katatakutan na sinamahan din ng makabuluhang kaalaman.
Ito ang pagsisimula ng I Juander: Buwan ng Kababalaghan
Isa sa mga sumikat na child star noon si Julie Vega. Pero ang kanyang showbiz career, maagang natuldukan. Namatay kasi siya sa edad na disi sais, at ang sinasabing dahilan---- naengkanto raw si Julie Vega. Sa kauna-unahang pagkakataon, isang paranormal investigation ang isinagawa sa mismong bahay kung saan naengkanto 'di umano si Julie Vega.
Kamakailan lang, pumatok sa takilya ang pelikulang “Heneral Luna.” Ibinida rito ang buhay ng bayaning si Antonio Luna, na pinatay pala ng kapwa niya mga Pilipino. Ito nga ba ang dahilan kung bakit sinasabing nagmumulto ang heneral? Samantalang ang kapatid niyang si Juan Luna, may obra nga bang isinumpa? Lahat daw kasi ng nagmay-ari nito, minalas!
Maging ang Kapuso actor na si Rocco Nacino at Sheree, may kanya-kanyang kwento ng katatakutan.
Siguraduhing may kasama kayong manunuod ng I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV! Dahil bibigyang kasagutan nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang tanong ni Juan:
I Juander, ano ang katotohanan sa likod ng mga kababalaghan ng ilang sikat na tao sa bayan ni Juan?

Tags: ijuander
More Videos
Most Popular