ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'I Juander', may katotohanan nga ba ang mga karakter sa horror movies?    


I Juander...  Posible nga kayang may katotohanan ang mga sikat na karakter sa Horror Movies?

  


Yaya na aswang pala... halimaw sa banga... at undin! Ang mga karakter na ito, talaga namang kinatakutan ni Juan sa pelikula. Pero paano kung totoo pala sila at hindi likhang isip lang?

Ang karanasan ng inang si Gloria, tila hango raw sa ika-walong serye ng pelikulang Shake, Rattle & Roll. Ang misteryosong yaya kasi na kanyang kinuha, aswang daw pala.

 

Taong 1986 naman nang ipalabas ang Pinoy horror movie na “Halimaw sa Banga.” Tungkol ito sa isang mangkukulam na nilibing sa banga at kung sino man ang lumapit dito, kanyang kinukuha. Si Sylvia, sa banga rin inilibing ang kanyang asawa. Nagmumulto rin kaya ito gaya sa pelikula?

 

At ang undin na kinatakutan sa ikatlong serye ng Shake, Rattle & Roll ---- tunay nga bang naghahasik ng lagim sa ilog Pasig?
 

I Juander, paano kung totoo ang mga karakter sa horror movies? Ito ang tanong ni Juan na bibigyan ng kasagutan nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario.

 

Maghanda nang matakot at mangilabot sa pagpapatuloy ng I Juander Buwan ng Kababalaghan, ngayong Miyerkules alas-otso nang gabi sa GMA News TV.