ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga kuwentong kababalaghan ng ating kabataan, tampok sa 'I Juander'


I Juander, ano-ano ang mga kuwentong kababalaghan ng ating kabataan?
 
Madalas na ginagawang panakot sa mga bata ang mga kuwentong kababalaghan. Pero paano kung ang mga ito, hindi lang pala gawa-gawa?
 
Sa isang bahay sa Apalit, Pampanga, may kakaibang nilalang daw na nangunguha ng bata. At sa gitna ng imbestigasyong isinagawa nina Cesar Apolinario at Susan Enriquez kasama ang isang paranormal investigator, nakunan ng camera ang kusang paggalaw ng mesa. Pagpaparamdam kaya ito ng sinasabing nilalang?



Normal din daw sa mga bata ang pagkakaroon ng “imaginary friend.” Pero sa kaso ng labingapat na taong gulang na si Gabbie, hindi raw ito basta likha lang ng malikot niyang imahinasyon. Dahil ang kaibigan niya na tanging siya lang ang nakakakita, isa umanong duwende.

 

At hindi lang pala sa mga pelikula bumibida ang mga minumultong manyika. Dahil sa Naic, Cavite, may isang manyika raw na naghahasik ng lagim.
 
Samahan sina Susan at Cesar na balikan ang mga nakapangingilabot na kuwento ng ating kabataan. Abangan 'yan ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV!