Mga natatagong hiwaga ng Siqiujor, tampok sa 'I Juander'

I Juander, ano ang mga natatagong hiwaga ng isla ng Siquijor?
Pugad ng mga aswang at mangkukulam – ito ang agad na naiisip ng maraming Juan kapag nababanggit ang isla ng Siquijor. Pero totoo nga ba ito o haka-haka lang? Ito ang inalam ng I Juander sa pagpunta nila sa isla ng Siquijor.
Dito may mga tinatawag na mananambal o yung may kakayahan umano na makapanggamot sa tradisyunal na paraan. Gumagawa rin sila ng mga halamang gamot at ang pinaka mabenta, na inuuwi pa raw ng mga turista--- ang lumay o mas kilala sa tawag na gayuma. I Juander, nagagamot nga ba nito ang sakit ng pagiging sawi sa pag-ibig? Ito ang sinubukan ni Angel ng grupong La Churva at ng modelong si Charlie Sutcliffe.
Alamin din ang misteryo ng isang rebulto sa Siquijor, na sinasabing nabubuhay daw at nakikitang pagala-gala sa isla.
Pero hindi lang ito ang hiwagang tutuklasin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario, kundi maging ang natatagong ganda ng Siquijor at ang mga ipinagmamalaki nilang pagkain.
Kaya maki-hashtag “Siquijor Pa More” sa I Juander, ngayong Miyerkules alas-otso nang gabi sa GMA News TV.
