ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Iba't ibang campus horror stories, sisiyasatin sa 'I Juander'


I Juander, bakit may mga kuwento ng kababalaghan sa mga eskuwelahan sa bayan ni Juan?

 


Ngayong buwan ng Hunyo – balik eskuwela na naman ang maraming kabataan.

Pero gugustuhin mo pa nga raw bang pumasok kung ang inyong paaralan, nababalot pala ng kababalaghan?

 


Sa Bulacan State University, isang espiritu raw ang madalas na pumapasan sa balikat ng mga estudyante. Pinamumugaran din daw ng mga ligaw na espiritu ang ikatlong palapag ng Federizo Hall na siyang pinaka matandang gusali sa unibersidad.

 


Sa isang paaralan naman sa Bataan, samu't saring mga elemento raw ang nananahan. At nakunan pa nga raw ito ng litrato ng isa sa mga estudyante!

Kasama ang mga paranormal investigator at ang iba pang mga eksperto, aalamin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang misteryong bumabalot daw sa ruta ng UP Ikot!

 

I Juander, bakit may mga kuwento ng kababalaghan sa mga eskuwelahan sa bayan ni Juan?

 


Maghanda para sa isa na namang makapanindig-balahibong usapan ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.