ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga kababalaghang nakunan sa CCTV, tampok sa ‘iJuander’
Sa panahon ng modernisasyon, tunay nga yatang wala na tayong maitatago. Bawat kilos at mga pangyayari, maaari nang makuhanan ng camera. Pero paano kung ang mga video na makunan ng mga Closed Circuit Television o CCTV ay pawang mga kababalaghan?


Tulad na lang ng isang footage na kuha sa isang Barangay sa Maynila kung saan nakitang biglang gumalaw ang isang upuan kahit walang humahawak o gumalaw dito. Multo nga ba ng isang dating tanod ang posibleng may gawa nito?


Sa garahe naman ng isang bahay, nakuhanan din ng CCTV ang isang imaheng tila ba’y pilit na itinutulak ang gilid ng sasakyan. Sino o ano kaya ito?
Sa bawat kuha ng CCTV bibigyan ng linaw ng mga ekperto sa iba’t ibang larangan ng siyensya kung totoo nga ba ang mga kuha at kung may siyantipikong batayanang bawat kababalaghan.


Samahan sina Susan at Cesar na alamin kung ano ang kwento sa likod ng mga kababalaghang nakuhanan ng mga CCTV ngayong Miyerkules ng gabi sa I Juander.

More Videos
Most Popular