ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagkain ni Juan ng dog meat, tatalakayin sa 'I Juander'


Ulam si Bantay?

 


Noong isang linggo lang, nasabat ng mga awtoridad ang mahigit pitong daang kilo ng karne ng aso sa probinsya ng Batangas. Ang katumbas nito, pitumpu't pitong aso na walang awang pinatay at kinatay. Ang mga kamay na dapat sana'y nagpapakain at nag-aaruga sa kanila, sila pa palang mananakit at kikitil sa kanilang mga buhay.

 

 


Ide-deliver sana ang karne ng aso sa lungsod ng Baguio kung saan ito mabenta. Kaya naman ang I Juander team, aakyat din sa norte para suyurin ang ilang mga kainan sa probinsya ng Benguet. May maaktuhan kaya silang nagbebenta ng ipinagbabawal na karne ng aso? May benepisyo nga bang hatid sa kalusugan ang pagkain nito? At totoo rin kayang nakapag papainit ito ng katawan? Alamin din ang paniniwala ng ilang mga katutubo patungkol sa pagkakatay ng aso.

 

 


Pero kung may mga nagmamalupit sa mga aso, mayroon din naman daw certified dog lover gaya ni Bamba. Ang kanyang alaga, hindi lang isa, hindi lang dalawa  kundi mahigit sa isandaang aso. Kabilang na si Hizon na nailigtas mula sa kalakaran ng illegal dog meat trade. Si Blanch naman, anak daw ang turing sa dalawampu niyang fur babies. Ginagastusan, inalaagan at pinaliliguan ng pagmamahal.

 


Tumutok sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV!

 


English:

Last week the authorities seized more than seven hundred kilos of dog meat in the province of Batangas. This is equivalent to seventy seven dogs slaughtered.

The hands that are supposed to feed and take care of the dogs are the ones hurting them and ending their lives.

The dog meats were supposed to be delivered to Baguio where it is being sold. I Juander team went to Benguet Province to find out the said trend. Will they witness the actual selling of dog meat? Are there really health benefits in eating dog meat? Is there truth that eating dog meat gives warm to the body? Learn also the beliefs of the indigenous people in killing dogs.  

But if there are those who are mistreating dogs, there are also those who are certified dog lovers like Bamba. She is taking care of more than one hundred dogs. Hizon, is one of the dogs that Bamba rescued from illegal dog meat trade. While Blanch treats her twenty dogs as her babies as she spends a lot and taking good care of them.

Watch I Juander this Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV!