ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga kuwentong pag-ibig ni Juan, tampok sa 'iJuander'


 

 

Sa darating na araw ng mga puso, samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na balikan ang ilan sa mga kuwentong pag-ibig na nagpakalig sa maraming Juan nitong nagdaang taon.

Sino ba ang makalilimot sa biglaang pagtatapat ni Delfin ng kanyang tunay nararamdaman sa kaibigang si Vanessa sa mismong programa pa ng Wowowin. Bagama't nanatili silang magkaibigan lang, hindi nila pinalagpas ang pagkakataong mag-friendly date. Saan nga ba puwedeng mamasyal ang mga kagaya nilang more than friends pero less than lovers?

 

 

 

Muling kiligin din sa kuwento ng pag-iibigan nina Carl at Cheleene, na nagkakilala sa social media application na Tinder. Ang simpleng palitan ng mensahe, nauwi sa personal na pagkikita hanggang sa tuluyan silang mag-click. Talaga namang #mayforeversatinder.

 

 

 

Bagong simula, ito raw ang peg ni Roi na kagagaling lang sa hiwalayan. Gayun din sina April at James, hindi nila tunay na pangalan, na nagkaroon ng summer fling pero hindi rin nagtagal. Para sa mga kagaya nilang nagnanais maka-move on, alamin kung ano-ano ang puwede nilang paglaanan ng oras at atensyon. Ika nga, #singlebuthappy.

 

 

 

Panoorin ang I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.