Makabagong mukha ng kababaihan, ibibida sa 'i Juander'

I Juander, ano ang makabagong mukha ng mga kababaihan sa bayan ni Juan?
Sa paggunita ng National Women's Month ngayong Marso, bibigyang pugay ng I Juander ang ilang mga kababaihan na larawan ng kasipagan, katatagan at maging ng kabayanihan.

Walang day-off, walang overtime pay at walang pahinga. Ganito nga raw mailalarawan ang trabaho ng isang ina. Sa hirap ng buhay, paano nga ba binubuhay ni Indang ang kanyang siyam na anak pati na rin ang kanyang mga apo? Hamon naman para kay Rosalie ang pagiging single mom, lalo pa't isa sa kanyang tatlong anak ay may Cerebral Palsy.

May ilang mga kababaihan din na ang mundong piniling pasukin, kadalasang ginagalawan ng mga lalaki. Gaya ni Tantin na isang certified na mekaniko at ni Janette na isa namang taxi driver. Ang araw-araw daw na hamon na kailangan nilang harapin, ang patunayan ang kanilang mga sarili at ang kanilang kakayahan.

Kilalanin din ang ilang mga kababaihan na umukit ng kanilang pangalan sa kasaysayan gaya nina Alberta Uitangcoy-Santos at Gregoria de Jesus na siyang asawa ni Andres Bonifacio. Anu-ano nga ba ang naimbag nila sa kasaysayan?
Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV para malaman ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, ano ang makabagong mukha ng mga kababaihan sa bayan ni Juan?
English:
As we celebrate National Women’s Month this March, I Juander will honor some women that showed diligence, strength, and even heroism.
No day-off, no overtime pay and no rest. This is how a mother’s job is usually described. Despite how hard life is, Indang persevere to raise her nine children and grandchildren. It is a challenge to Rosalie to be a single mom, more so that one of her three children has cerebral palsy.
There are some women that chose the world of men like Tantin, a certified mechanic, and Janette, a taxi driver. Every day, the challenge that they have to face is to prove their competency in the masculine world.
Get to know some women that carved their names in history like Alberta Uitangcoy-Santos and Andres Bonifacio’s wife Gregoria de Jesus. What are their contributions to history?
Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario this Wednesday on I Juander, eight o’clock in the evening on GMA News TV as they answer the question:
I Juander, what is the new face of women in Juan’s nation?