i Juander: May mga nilalang bang nakatira sa ibang planeta?

Literal na out of this world ang pag-uusapan nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario dahil ang tanong ni Juan na bibigyan nila ng kasagutan:
I Juander, may nilalang nga bang nakatira sa ibang planeta? At posible bang manirahan si Juan sa outer space?

Sa laki ng kalawakan, maituturing na ga-tuldok lang ang planetang Earth. Kaya nga malaki raw ang posibilidad na hindi lang tao ang nabubuhay na nilalang dito. Patunay na kaya rito ang cellphone video na kuha ni Patrick? Isang gabi taong 2015, nagliliwanag na mga ilaw ang nakunan niya sa kalangitan ng Lubao Diversion Road sa Pampanga. At hindi lang siya ang nakasaksi sa 'di umano'y UFO, kundi marami sa mga naninirahan dito.

Kilalanin din ang Pilipinong napili sa daan-daang libong mga aplikante mula sa buong mundo na may posibilidad na lumipad patungong planetang Mars sa 2031. Siya ang law student na si Minerva Ranieses. Sa ngayon, isandaan na lang silang sasailalim pa sa mga pagsusuri at pagsasanay hanggang sa dalawampu't apat na lang ang natitira. Ang magiging misyon nila, ang alamin kung posible nga bang manirahan ang tao sa tinaguriang “the red planet.” Pero ang biyahe pala nila ay one way lang at hindi na sila muling babalik pa ng planetang earth.

At kung dati, mga astronaut lang ang nakakarating ng outer space, sa 2021 puwede na rin daw mag-check in sa orbital space hotel sa halagang isang milyong Piso. May nag-o-offer na rin ng space tour sa halaga namang limang milyong Piso kapalit ang out of this world experience.
Abangan lahat ng 'yan ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.
English:
It is literally an out of this world experience as Susan Enriquez and Cesar Apolinario answer the question:
I Juander, is there life form in other planets? And can human live in the outer space?
In the vast universe, planet Earth is considered as just a small dot. Experts are studying the possibility that there are other life forms in the universe aside from humans. There are accounts where human experienced the presence of alien. In 2015, Patrick caught a video of lights in the sky of Lubao Diversion Road in Pampanga that is believed to be Unidentified Flying Object or UFO.
Get to know the Filipino that was chosen in the hundreds of thousands of applicants from all over the world to fly in planet Mars in 2031. She is a law student named Minerva Ranieses. Recently, one hundred chosen applicants will undergo training until they will be shortlisted to twenty four. Their mission is to find out if humans can live in “the red planet”. But the catch is this trip is only one way, they can no longer go back to planet earth.
Before, only Astronauts can go to the outer space, in 2021 anyone can check in in the orbital space hotel for one million pesos. There are also space tour offers for five million pesos in exchange for the out of this world experience.
Please watch I Juander this Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV!