Hilig ni Juan sa mga lumang bagay, tatalakayin sa 'i Juander'
I Juander, bakit mahilig si Juan sa mga lumang bagay?
Luma na, pero kinokolekta pa ng iba. Basura na kung ituring pero napagaganda't napagkakakitaan pa rin.
I Juander, bakit nga ba mahilig si Juan sa mga lumang bagay?
Ang mga sasakyang kakarag-karag na, nagmu-mukhang brand new kapag ini-restore ni Alfred. Mula sa pagkahilig sa mga lumang sasakyan, ngayon isa na siya sa mga pinaka kilala pagdating sa larangan ng car restoration. Ang ilan sa kanyang mga nagawa ay ang 1969 Cadillac de Ville na pag-aari ng dating pangulong Diosdado Macapagal at 1934 Nash Ambassador na imamaneho pa ni Cesar Apolinario. Kabahan kaya siya kapag nalaman niyang mahigit tatlong milyong Piso pala ang halaga nito ngayon?
Bukod sa lumang mga kagamitan, may mga istruktura sa Pilipinas na tila niluma na rin ng panahon. Pero dahil koneksyon ito ni Juan sa kanyang nakaraan, imbis na tuluyang masira, sumasailalim ito ngayon sa rehabilitasyon. Gaya ng San Sebastian Basilica sa Quiapo, ang kaisa-isang simbahan sa Pilipinas na gawa sa purong bakal pati na ang Paco Park sa Maynila.
Kikilalanin naman ni Susan Enriquez ang ilang mga Juan na kinakarir ang pagiging “picker” o yung mga nagbabahay-bahay para mamili ng lumang mga kagamitan gaya nina Deo at Crispin. Suki rin sila ng mga junkshop dahil kung minsan daw, may “jackpot” sa mga bagay na akala ng iba, basura na at walang halaga. Paano nga ba ang diskarte nila sa pakikipagtawaran lalo na sa mga bagay na may sentimental value sa dati nitong may-ari?
Ngayong Miyerkules, maki-#WaybackWednesday kina Susan at Cesar. Tumutok sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.
English:
Old things are being collected. It is trash to some, but a treasure after undergoing restoration.
I Juander, why is Juan fond of old things?
Old cars can be transformed as brand new. From his liking in old cars ,Alfred became popular in car restoration. Some of his masterpieces are 1969 Cadillac de Ville that is owned by former President Diosdado Macapagal and a 1934 Nash Ambassador that Cesar Apolinario had a chance to drive. What would Cesar feel if he learns that the value of the car he is driving is more than three million pesos?
Some historical structures in the country are in the process of rehabilitation. Like the San Sebastian Basilica in Quiapo, the only all-steel structure in the country, and Paco Park in Manila.
Susan Enriquez will get to know some pickers that go house to house to buy old things, like Deo and Crispin. They are also frequent customers of junkshop to find treasures in the pile of trash. How do they get their way in bargaining to acquire things that have sentimental value to its owner?