ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Sultan na kinilalang hari sa Tsina, kikilalanin sa 'i Juander'


CHINA SPECIAL EPISODE 1

I JUANDER 7th YEAR ANNIVERSARY

 

 


Para sa ika-pitong anibersaryo ng I Juander, maglalakbay sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa binansagang “Land of the Red Dragon” --- ang bansang Tsina. At kung madalas, nasusulat sa kasaysayan ng Pilipinas ang tungkol sa mga dayuhang nag-iwan ng marka sa bansa, sa pagkakataong ito, aalamin naman nila ang kuwento ng Pilipinong Sultan na nagpunta mismo ng Tsina at naging matalik na kaibigan ng kanilang emperor.

 

 


Mula Beijing na siyang kapitolyo ng bansang Tsina, nagtungo sina Susan at Cesar sa probinsya ng Shandong. Dito raw kasi binaiwan ng buhay si Sultan Paduka Batara bago pa siya makabalik ng Pilipinas. Makalipas ang anim na daang taon mula ng kanyang pagkamatay, mahanap kaya nila ang libingan ng Pilipino sultan gayun din ang kanyang mga nalalabing ka-apu-apuhan?

 

 


Para kilalanin naman si Emperor Yongle na siyang naging matalik na kaibigan noon ni Sultan Paduka Batara, papasukin nina Susan at Cesar ang pinaka malaking palasyo hindi lang sa Tsina kundi sa buong mundo. Mahigpit na ipinagbabawal noon ang pagpasok dito liban sa mismong emperor, kanyang pamilya at mga tagapaglingkod. Pero ngayon, isa na sa mga pinaka dinarayong atrakasyon sa Beijing ang “Forbidden City.” Katunayan, nasa walumpung libong katao ang bumibisita rito kada araw!

 

 


At dahil nasa bucketlist ito nina Susan at Cesar, hindi na rin nila pinalagpas ang pagkakataong mapuntahan ang Great Wall of China. Sinasabing tatlong daang libong sundalo at limandaang libong katao ang nagtulong-tulong sa paggawa nito, na may habang mahigit dalawampu't isang libong kilometro. Kayanin kaya nilang akyatin ang pinaka-tuktok ng Great Wall?

 

 


Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na maglakbay sa Tsina para alamin ang mas malalim pang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at ng kanilang bansa. Abangan 'yan sa part 1 ng ika-pitong taong anibersaryo ng I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.

English:

On the seventh anniversary of I Juander, Susan Enriquez and Cesar Apolinario will travel to the “Land of the Red Dragon” in China. China is known in our history about various influences, but this time, we will also learn about the story of a Filipino Sultan who went to China and became good friends with their emperor.

From Beijing as the capital of China, Susan and Cesar went to the province of Shandong. This is where Filipino Sultan Paduka Batara died before he went home to the Philippines. Six hundred years after he died, we will search for the Sultan’s grave and his family.

To learn about Emperor Yongle, Sultan Batara’s friend, Susan and Cesar visited the biggest palace not only in China but in the whole world. In the earlier times, it was forbidden to enter in the palace, only the Emperor, his family and their servants were allowed inside. But now, the “Forbidden City” is the most visited attraction in Beijing. In fact there are about eighty thousand visitors every day.

This place is on the bucketlist of Susan and Cesar that is why they did not miss the chance to visit the Great Wall of China. There are about three hundred thousand soldiers and five hundred thousand people who constructed the more than twenty one thousand kilometers wall.

Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they travel to China to have a deeper understanding of its connection to the Philippines. Please watch the part 1 of I Juander’s seventh Anniversary Special, this Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV!