ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kaso ng pagkamatay ng isang bata sa Nueva Ecija, sisiyasatin sa 'Imbestigador'



“NASAAN SI CLARE?”
Sa pagganap nina LJ Reyes, Jim Pebanco at Chlaui Malayao

Ang mga kuhang ito ng closed circuit television (CCTV) camera ang mga huling sandaling nakunan ng buhay ang walong taong gulang na si Clare Medina. Limang araw siyang pinaghahanap ng kanyang pamilya at mga otoridad. Sa kuha ng CCTV, rumehistro ang pagdaan ng bata kasama ang isang lalaki sa isang kalsada.


Nakunan din ang lalaking may binili sa isang botika habang nasa labas na naghihintay ang batang si Clare.


Sa patuloy na paggulong ng imbestigasyon, natunton din ang isang sementeryo na posibleng pinagdalhan sa bata. Dito ay ilang ebidensiya ang natuklasan kabilang na ang ilang gamit ng bata tulad ng bag at baunan. Nakita rin ang resibo mula sa botika at condom. Pero hindi rito natagpuan si Clare.


Hanggang ang limang araw na paghahanap sa bata ay tuluyang nagwakas. Sa isang irigasyon, nakitang nakasubsob ang kanyang katawan at isa na siyang malamig na bangkay.


Ano nga ba ang sinapit ni Clare? Sino ang huli niyang kasama na nakunan sa CCTV?


‘Wag palampasin ang IMBESTIGADOR ngayong September 16, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!