ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kaso ng gang rape sa Laguna, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


“GANG RAPE SA SEMENTERYO”
Sa pagganap nina Ar Angel Aviles at Glenda Garcia


Sa isang sementeryo, nag-umpisa ang kalbaryo ng isang katorse anyos na dalagita. Walang awa siyang  pinagpiyestahan, hindi lang ng isa kundi ng grupo ng mga kalalakihan!


Gabi noong ika-tatlumpu ng Agosto, sa gitna ng pinuntahang kasiyahan sa lalawigan ng Laguna, nawalan ng malay ang biktimang itinago naming sa pangalang Ronalyn. Lingid sa kanyang kaalaman, may masamang balak pala sa kanya ang mga kainuman. Habang walang malay, dinala ang dalagita sa isang sementeryo kung saan siya halinhinang ginahasa.


Makaligtas pa kaya ang dalagita mula sa mga salarin? Sino-sino ang mga lumapastangan sa biktima? At mahuli pa kaya ang mga suspek sa nangyaring gang rape?

‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong October 28, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!