ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kaso ng pananaksak sa isang dormitoryo sa Maynila, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


“DORMITORYO”
Sa pagganap nina Meg Imperial at Dominic Roco

Sa isang dormitoryo sa Lungsod ng Maynila, payapa na sanang matutulog ang isang dalagang estudyante. Pero hindi pa man niya naipipikit ang kanyang mga mata, isang lalaki ang biglang sumulpot sa kanyang kwarto. Tinakpan ang bibig at mukha ng dalaga hanggang walang awa siyang pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Tuluyang nawalan ng malay ang dalaga. Hanggang makalipas ang ilang oras, mala-himala siyang nagkaroon ng malay.

Sa paggulong ng pagsisiyasat ng mga otoridad, natuklasang tinangkang iligaw ng suspek ang imbestigasyon. Pero walang sikretong hindi nabubunyag at tuluyang nabulgar ang kanyang pagkakakilanlan.

Sa kanyang pagkakaligtas, ano ang mga isisiwalat ng mismong biktima? Paano siya nakaligtas at matunton kaya ang itinuturong maysala?

‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong November 11, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!