ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang ingay, nakamamatay! 


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES ANG INGAY, NAKAMAMATAY!
Airing date: March 22, 2012
 
Ang ingay sa ating paligid, normal ng bahagi ng ating araw araw na buhay. Ang hindi natin alam, unti unti na palang napipinsala ang ating pandinig dahil sa iba't ibang tunog na ating naririnig.
 
Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization, ang noise pollution ang pangatlo sa pinakamalaking problema sa polusyon. Ito ay sumunod sa hangin at tubig.
 
Malaki rin ang epekto ng ingay sa kalusugan ng tao. Kasama rito ang stress na maaaring maging sanhi ng pagtaas ng presyon ng dugo na pwedeng humantong sa atake sa puso.
 
Wala ring gamot sa pagkabingi, kaya kapag nawala ito ay hindi na ito muli pang maibabalik.
 
Kakulangan sa kaalaman ang isa sa mga rason kung bakit damarami ang bilang ng mga taong nabibingi sa Pilipinas.
 
Walang batas o regulasyon na direktang magbibigay ng solusyon sa lumalalang problema ng noise pollution. Nakabinbin pa rin sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang batas na naihain tungkol ditto noong 2010.
 
Paano maiiwasan ang bantang dulot ng noise pollution? Alamin ang sagot sa Investigative Documentries kasama si Malou Mangahas, ngayong Huwebes 8:00 ng gabi sa GMA News TV channel 11.
Tags: plug