ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang pamilya Romualdo ng Camiguin sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
ANG PAMILYA ROMUALDO NG CAMIGUIN Airing date: March 29, 2012
 
“Island born of fire.” Ito raw ang tawag sa Camiguin, pangalawa sa pinakamaliit na probinsiya sa buong Pilipinas.  
Sa pagputok raw ng mga bulkan nabuo ang probinsiya. Pitong bulkan ang matatagpuan dito.
 
Sa loob ng dalawang dekada, iisang pamilya ang may malawak na impluwensiya sa lalawigan: ang pamilya Romualdo.
 
Sa kasalukuyan, hindi bababa sa limang miyembro ng angkan ang nasa puwesto. Hawak ng mga Romualdo ang kapitolyo, kongreso at munisipyo ng kabisera.
 
Si Pedro Romualdo ang congressman ng lone district ng Camiguin. Ang kanyang anak na si Jurdin Romualdo ang kasalukuyang governor samantalang ang asawa ni Jurdin na si Maria Luisa Romualdo ang mayor ng Mambajao, kabisera ng Camiguin.
 
Sa kabila ng tagal nila sa panunungkulan, maraming problema ang probinsiya. Isa na rito ang isyu ng kalusugan. Limampu't walo ang dami ng barangay sa Camiguin pero sa tala ng Department of Health o DOH, labindalawa lang ang barangay health stations sa buong lalawigan mula taong 2004 hanggang 2009. Kulang na kulang ito para tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
 
Sa katunayan, noong 2009 ay nagtala ng may pinakamataas na antas ng infant death sa buong Northern Mindanao ang Camiguin. Umabot ito ng halos 13 percent.
 
Hindi bababa sa bilang na dalawampung sanggol ang namamatay matapos isilang kada taon mula 2006 hanggang 2009.
 
Paano ito hinaharap ng pamilyang matagal ng tinatangkilik ng mga taga Camiguin? Ano ang naging papel ng iisang angkan para mapagaan ang pamumuhay ng kanilang mga nasasakupan?
 
Alamin ang sagot sa Investigative Documentries kasama si Malou Mangahas, ngayong Huwebes ika walo ng gabi sa GMA News TV channel 11.
Tags: plug, camiguin