ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Investigative Documentaries': Lipas, Laos, Limot


Takot ka bang tumanda? Lipas, laos, limot. Ito ang mga salitang akma sa sitwasyon ng marami nating mga senior citizen sa Pilipinas. Noong 2010, tinatayang 6.4 million ang ating senior citizens o iyong edad 60 pataas.
 
Sa halip na maging maalwan ang kanilang buhay matapos magsilbi sa pamilya at bansa, ang senior citizens natin ang ikaanim na naghihirap na sektor.
 
Ang Department of Social Welfare and Development ay may social pension plan para sa senior citizens, pero ito ay para sa mga edad 77 pataas. Ayon sa DSWD, umabot sa 126,558 ang kanilang nasisilbihan sa ilalim ng pension plan, sa halagang P500 bawat buwan.
  Halos isang milyon ng ating senior citizens ang naghihirap. Ang ilan sa kanila walang tahanan, pakalat-kalat lang sa lansangan, at walang matatakbuhan kapag nagkasakit. May iba namang nasa mga tinatawag na shelter o home for the aged. Sa halip na anak o mahal sa buhay, house parents at volunteer nurses ang kanilang kapiling.    Sa buong Pilipinas, tatlo lang ang shelter na pag-aari ng gobyerno. Hindi lahat ay kayang serbisyuhan nito.   Alamin ang sitwasyon ng ating mga lolo at lola- at kung sa hinaharap, magagaya tayo sa sitwasyon ng mga senior citizen na walang masulingan sa dapithapon ng buhay.   Manood ng Investigative Documentaries kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel.11.