INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES Medical Tourism sa Thailand Date of airing: January 17, 2013 Mas matangos na ilong. Mas malaking dibdib. Mas malamlam na mata. Mas makinis na balat. At kung minsan, pagbabago ng kasarian.
Ito ang maraming mga kaso ng serbisyong medikal na sinasadya ng mga banyaga sa Thailand.
Sa ikalawang bahagi ng aming kuwento tungkol sa Thailand, aming inalam kung bakit nakilala ang bansang ito sa iba't ibang uri ng serbisyo medikal, lalo na sa pagpapaganda at sex reassignment. Noong 2011, halos 20 milyong turista ang pumasyal dito. Halos 700,000 sa mga ito ay medical tourist o magpapagamot o may ipinabago sa katawan, ayon ito sa Tourism Authority ng Thailand. Isa sa ito ay si Shaina, isang Pinoy na nagpapalit ng kasarian sa Thailand noong Disyembre. Samahan kami sa pagbabantay sa kanyang prosesong pinagdaanan mula sa konsultasyon, pagpapayo, hanggang sa operasyon at pagpapagaling. Manood ng Investigative Documentaries
kasama si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.