ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga pasaway sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES MGA TIGAS ULO... Airing date: February 7, 2013    Bawal Umihi Rito. Bawal Magtapon ng Basura. Bawal Tumawid. Bawal Pumarada. Ilan lang ito sa mga paalaala na madali namang intindihin, pero hirap ang ilan na sundin. At kapag nahuli at parurusahan, nariyang matindi ang reklamo, makikiusap, o kaya ay maglalagay.     Karaniwan, kapag sinabing katiwalian, ang laging naiisip natin ay iyong mga taong nasa matataas na puwesto sa gobyerno o pribadong sektor. Nakakalimutan natin na kahit ang di pagsunod sa patakaran ayugat ng abala, perwisyo, o kaya ay trahedya. Sa Maynila, may ordinansang nagbabawal sa pagparada sa tabi ng daan. Sa kabila nito, ang maliit na ngang kalsada, lalo pang sumikip dahil sa double parking. Ang daloy ng trapiko tuloy ay lalong bumabagal.   Sa San Juan naman, dahil sa mga nakahambalang na sasakyan sa tabi ng daan, naging pahirapan para sa mga bumbero ang pagpatay ng sunog noong Hunyo 2010.   Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, noong 2011 ay umabot sa halos 200 kataoang namatay dahil sa jaywalking. Nito lamang Disyembre ay ipinatupad ng ahensiya ang bus segregation scheme.  Sa pakikipagtulunan ng ilang traffic enforcer, napatunayan naming may ilang drayber na sanay nang manuhol ng traffic enforcer.   Alamin natin ang ilang gawi ng mga simpleng mamamayan na matatawag nating pasaway.   Panoorin ang Investigative Documentaries kasama si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.