ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga dambana sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES  
DAMBANA

Airing date: February 21, 2013


 
Tuwing may libreng panahon ang mga nakatira sa lungsod, madalas na sa mall nagsisiksikan ang marami. Kakaunti ang nagpupunta sa mga monumento at museo.
 
Nagkalat naman ang mga monumento at dambana sa Metro Manila, pero iilan sa mga ito ang madalas pasyalan. May parke man, di naman ito sapat para lakaran, takbuhan, o pagpiknikan. 
 
May mga monumento naman na sa halip pasyalan, di kilala ng marami. Di kasi nababantayan ang mga ito, at may ilang pang nasasalaula.
 
Kasama ang historian na si Xiao Chua, nilibot ng Investigative Documentaries ang ilang makasaysayang lugar na abot-kamay ng mga taga-Metro Manila. 
 
Ang sikat na Andres Bonifacio Shrine sa Ermita, sa halip na magbigay-pugay sa kabayanihan ng Kapinunero, mabaho at madumi dahil palikuran ng mga tambay.
 
Ang Plaza Zamora naman sa Pandacan, sa halip na maging pasyalan ay iniiwasang puntahan. Nasa gitna kasi ito ng kalsada at delikado para sa mga bata. Sa gabi naman, dahil walang bantay at wala ring ilaw, pugad ito ng mga walang tahanan.
 
Ang People Power Shrine sa EDSA ay mali raw ang pagkakapuwesto. Dahil nasa highway, hindi ito madaling mapupuntahan ng gustong bumisita.
 
Sino ba ang dapat mangalaga sa ating mga parke at monumento, at ano ang ating magagawa para makilala ng mga kabataan ang kasaysayan ng mga ito?
 
Alamin ang sagot sa Investigative Documentaries kasama si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.