ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Senado' sa Investigative Documentaries


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
SENADO

Airing date: April 4, 2013

Sa Senado nagmula ang sampung presidente ng bansa. Sa episode ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, babalikan natin ang mga senador na naging bahagi ng Senado noon, at aalamin ang kanilang kuwento tungkol sa institusyong ito.


 
Kabilang sa mga maglalahad ng kanilang karanasan sa Mataas na Kapulungan ay sina dating Senador Helena Benitez at Eva Estrada Kalaw, na kapwa nanungkulan noong dekada 60 hanggang dekada 70. Magbibigay rin ng opinyon si Senador Rene Saguisag na nanungkulan noong 1987 hanggang 1992 kung ano ang pagkakaiba ng Senado noon at ngayon. 


 
Labindalawang senador ang muli nating ihahalal sa eleksyon sa Mayo. Sa atin nakasalalay kung magiging mataas ang kalidad ng Mataas na Kapulungan o kung bababa ito.
 
Manood ng Investigative Documentaries, kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.