ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Offshore accounts ng mga politiko, sisiyasatin sa ID


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES      
OFFSHORE ACCOUNTS NG MGA POLITIKO
Airing date: April 18, 2013, 8:00 PM, GMA News TV


May 500 mga Pilipino ang may offshore accounts, ayon sa International Consortium of Investigative Journalists o ICIJ. Ilan sa mga ito, mga opisyal ng gobyerno.
 
Sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Congressman JV Ejercito at Senator Manny Villar ang ilan sa politikong natagpuang may offshore accounts sa British Virgin Islands, kung saan maluwag ang pagbuwis. Hindi masama ang magkaroon ng accounts gaya nito. Ang problema, hindi kasi nila idineklara sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ang mga nasabing accounts.
 
Bakit kailangang may offshore accounts sa tax haven ang mga opisyal ng gobyerno? Ano ang paliwanag nina Marcos, Ejercito, at Villar sa isyung ito?
 
Alamin ang sagot sa Investigative Documentaries, kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.