Politiko 101: Mga dapat malaman tungkol sa lokal na pamahalaan
Sa darating na Eleksyon 2013, muli tayong boboto ng mga kandidatong mamumuno sa lokal na pamahalaan. Ang tanong: Gaano ba kalawak ang kaalaman nating mga botante sa mga tinatakbuhang puwesto ng mga lokal na kandidato?
Alam ba natin ang mga tungkuling dapat nilang gamapanan at mga pondong kanilang dapat pangaalagaan? Magkano ang kanilang sweldo, at anu-ano ang natatanggap nilang benipisyo?
Ayon sa datos ng Commission on Elections, ito ang mga puwestong paglalabanan sa May 13, 2013:
- 80 puwesto para sa pagka-gobernador
- 80 puwesto para sa pagka-bise gobernador
- 143 puwesto para sa city mayors
- 1491 puwesto para sa municipal mayors
- 143 puwesto para sa vice city mayors
- 1,491 puwesto para sa vice municipal mayors
- 13,000 puwesto para sa councilors ngayong Eleksyon 2013.
Sa Politiko 101 episode ng Investigative Documentaries, inalam ng programa ang ilang job descriptions, requirements, salary, at benefits ng mga posisyon ng governor, vice governor, mayor, vice mayor, at councilor.
Ang ilang tungkuling dapat gampanan ng governor:
1. Magsilbi bilang chief executive ng probinsya
2. Pangunahing tagapangasiwa ng mga programa at proyektong aprubado ng sangguniang panlalawigan
3. Tagapangasiwa ng mga aprubadong programa, proyekto, serbisyo at aktibidad ng probinsya, at tagapagtibay ng mga batas at ordinansang may kaugnayan sa pamamahala sa probinsya
4. Simulan at gawing epektibo ang pagpaparami ng resources at revenues at ang pagpapatupad ng mga programang nakatuon para sa agro-industrial development at country-wide growth
5. Siguraduhing naihahatid ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno katulad ng mga serbisyo para sa kapaligiran, kalusugan, imprastraktura, agrikultura, at turismo
Qualifications para sa governor:
Pilipino
23-taong-gulang pataas
Rehistradong botante
Isang taong residente ng probinsya
Suweldo ng governor:
78,946 — 85,230
Iba pang benepisyo ng governor:
1. Housing allowance na umaabot mula P19, 736.50 hanggang P21, 307.50 (hindi hihigit sa 25% ng kanilang sahod)
2. Monthly transportation allowance na P1, 120
3. Clothing allowance 'kada taon
4. Maaari siyang magdala ng armas sa kaniyang probinsya
Ilang pondong pinamamahalaan ng governor:
1. Internal Revenue Allotment o IRA
2. 20% Development Fund na galing sa IRA
3. Trust fund, General fund, at Special Education fund
4. 3% Intelligence fund na galing sa Peace and Order fund
5. Extraordinary fund na galing sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE ng Office of the Governor
Ang ilang tungkuling dapat gampanan ng vice governor:
1. Magsilbi bilang presiding officer o lider ng sangguniang panlalawigan
2. Tagapagtalaga ng mga opisyal at empleyado ng sangguniang panlalawagan
Qualifications para sa vice governor:
Pilipino
23-taong-gulang pataas
Rehistradong botante
Isang taong residente ng probinsya
Suweldo ng vice governor:
68,600 — 73,000
Iba pang benepisyo ng vice governor:
1. Representation on transportation na umaabot ng P567-P960 'kada buwan
Ang ilang tungkuling dapat gampanan ng mayor:
1. Tagapagtupad ng mga patakaran, regulasyon, at mga proyekto na magpapaunlad sa kaniyang nasasakupan
2. Tagasulong ng mga panukala o batas na kailangan ng kanilang lugar
3. Magsilbi bilang kinatawan ng National Police Commission na responsable para sa peace and order
4. Tuwing anim na buwan, dapat binibisita ng mayor ang mga barangya para malaman niya ang mga problema rito
Qualifications para sa mayor:
Pilipino
23-gulang pataas para sa highly urbanized cities; 21-taong-gulang pataas para sa independent o component cities o municipalities
Rehistradong botante
Isang taong residente ng lungsod o bayan
Suweldo ng mayor:
67,684 — 85,230
Iba pang benepisyo ng mayor:
1. Representation o transportation allowance na umaabot ng P472 hanggang P1,651 'kada buwan
Ilang pondong pinamamahalaan ng mayor:
1. Internal Revenue Allotment o IRA
2. Trust fund
3. Confidential Intelligence funds
Ang ilang tungkuling dapat gampanan ng vice mayor:
1. Magsilbi bilang presiding officer sa sangguniang panlungsod
2. Tagapamahala sa budget ng sanggunian
Qualifications para sa vice mayor:
Pilipino
23-taong-gulang pataas
Rehistradong botante
Isang taong residente ng lungsod o bayan
Suweldo ng vice mayor:
68,600-73,000 para sa special cities at highly urbanized cities
58,000-62,600 para sa component cities at elective officials of municipalities within Metropolitan Manila
53,700-58,000 para sa elective officials of municipalities outside Metropolitan Manila
Iba pang benepisyo ng vice mayor:
1. Representation on transportation na umaabot ng P567-P960 'kada buwan
Ang ilang tungkuling dapat gampanan ng councilor:
1. Paggawa ng ordinansa at pag-apruba ng taunang budget ng lokal na pamahalaan
2. Paggawa ng patakaran na may kinamalan sa edukasyon, kalusugan, kapaligiran, turismo, kabuhayan, at iba pa
Qualifications para sa councilor:
Pilipino
18-taong-gulang pataas
Rehistradong botante
Isang taong residente ng lungsod o bayan
Suweldo ng councilor:
50,000 pataas para sa city councilors
40,000 pataas para sa municipal councilors
Sources: Local Government Code of the Philippines, Commission on Elections, National Statistical Coordination Board, and Department of Budget and Management
— Research by Investigative Documentaries/Bernice Sibucao/Graphics by Aih Mendoza/CM, GMA News