ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'S1PNAYAN' sa Investigative Documentaries
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
04 July 2013 Episode
SIPNAYAN

Ituturo na raw sa sariling wika ang Mathematics, Sipnayan sa Tagalog. Mas mabilis daw kasing matututunan ang subject na ito kung sa wikang kinalakihan ituturo sa mga bata.
Marami ang takot sa subject na ito, sa kabila ng katotohanang mula paggising, paglabas sa kalye, pagtatrabaho at lahat ng aktibidad, may kaugnayan sa Sipnayan.
Ayon sa Global Competitiveness Repo rt ngayong 2013 ng World Economic Forum, ika-98 ang Pilipinas sa 144 na bansa pagdating sa kalidad ng pagtuturo ng Math at Science.
Pero ang 12 taong gulang na si Nathan Arthur Banatao, favorite subject ang Math. Siya ang pambato ng Pilipinas sa International Math Challenge na ginanap sa Singapore noong nakaraang taon. Nasungkit niya ang gintong medalya.
Bakit nahihirapan ang marami sa Math at ano naman ang sikreto ng mga mahusay rito? Huhusay nga ba ang mga bata kapag sa sariling wika ito itinuro?
Alamin ang sagot sa Investigative Documentaries kasama ang beteranang journalist na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
04 July 2013 Episode
SIPNAYAN

Ituturo na raw sa sariling wika ang Mathematics, Sipnayan sa Tagalog. Mas mabilis daw kasing matututunan ang subject na ito kung sa wikang kinalakihan ituturo sa mga bata.
Marami ang takot sa subject na ito, sa kabila ng katotohanang mula paggising, paglabas sa kalye, pagtatrabaho at lahat ng aktibidad, may kaugnayan sa Sipnayan.
Ayon sa Global Competitiveness Repo
Pero ang 12 taong gulang na si Nathan Arthur Banatao, favorite subject ang Math. Siya ang pambato ng Pilipinas sa International Math Challenge na ginanap sa Singapore noong nakaraang taon. Nasungkit niya ang gintong medalya.
Bakit nahihirapan ang marami sa Math at ano naman ang sikreto ng mga mahusay rito? Huhusay nga ba ang mga bata kapag sa sariling wika ito itinuro?
Alamin ang sagot sa Investigative Documentaries kasama ang beteranang journalist na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular