ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Investigative Documentaries: Raket


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
RAKET
Airing date: October 24, 2013





Namamayagpag ang balitang lumakas ang ating ekonomiya. Katunayan, nitong Hulyo ay iniulat na sa unang kalahati ng 2013 ay umakyat ng 7.6% ang gross domestic product.

Sa kabila nito, tatlong milyong Pilipino o 7.3% ng kabuuang work force ng bansa ang walang trabaho. Pinakamasama ang unemployment rate sa Metro Manila, na umaabot sa mahigit 10 porsiento.

Sa pag-iikot ng Investigative Documentaries sa Kamaynilaan, napatunayan ang husay at tiyaga ng mga Pilipino para mamuhay nang marangal at magkaroon ng laman ang sikmura. Anuman ang edad, lahat sila ay nagsisikap.

Nariyan si Anton na hilot kapag umaga, nagbebenta ng sigarilyo pagtaas ng araw, naggugupit ng buhok pag hapon, at nagtitinda ng kape kapag gabi.

Sa Quiapo naman, ang 80 taong gulang na si Lola Cita ay nagtitinda ng tubig mula
madaling-araw hanggang sa pagdilim. Sa kabila ng kanyang edad, nagagawa niyang magtulak ng kariton kung saan nakakarga ang mabibigat na lalagyan ng tubig.

Alamin ang iba pang pinagkakakitaan ng mga Pilipinong wala sa pormal na sektor ng paggawa sa edisyong ito ng Investigative Documentaries kasama ang Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.    
Tags: plug