ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Investigative Documentaries: May pagbabago ba?

Sa tuwing sasakay ka ng LRT at MRT, alam mo ba ang kuwento sa likod ng pangalan ng mga istasyon nito? Nariyan ang Recto, Legarda at Gil Puyat, R.Papa, Doroteo Jose at iba pa.
Sa isang social experiment noong ng ID, lumilitaw na hindi pala alam ng maraming pasahero kung sinu-sino ang mga taong pinararangalan sa LRT stations. Nitong 2013, may ginawang aksion ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority o LRTA para mas mapayaman ang kaalaman ng publiko sa kasaysayan.
Noong 2011, itinayo ang mga lamp post sa Espana, Maynila. Proyekto ito ni dating mayor Alfredo Lim. Nitong Agosto tiningnan namin ang kondisyon ng mga ito. Marami na ang pundido. Ganito rin ang sitwasyo ng mga lamppost sa Mehan Garden at iba pang kalye sa lungsod. Ngayong nagpalit na ng alkalde at siJoseph Estrada na ang bagong mayor, naayos na kaya ang mga poste ng ilaw?
Inalam rin ng ID kung may silbi ang mga outpost sa Quezon City. Marami kasi sa mga ito, kung hindi sira ay ginawa ng bahay ng mga palaboy. Ayon sa lokal na pamahalaan, limampung libong piso raw ang halaga ng bawat outpost. Sa aming pagbabalik, may nagbago kaya?
Ang mga sirang multicab sa Maynila, ginawang bahay ng mga walang masisilungan. Ayon sa mga tumira, mismong taga city hall ang nagbigay ng pahintulot sa kanila. Matapos maipalabas nitong Agosto sa ID ang kanilang sitwasyon, may nagbago ba?
Abangan ang buong detalye sa Investigative Documentaries, kasama ang Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, 8pm sa GMA News TV channel 11.
Tags: plug
More Videos
Most Popular