ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Merville Subdivision sa Dampalit, Malabon, isang dekadang lubog sa tubig-baha
Kahit hindi umuulan, lubog pa rin sa tubig-baha ang mga bahay sa Merville Subdivision sa Brgy. Dampalit, Malabon. Halos isang dekada nang ganito ang sitwasyon dito.
Simula noong 1991, nasa mula dalawa hanggang siyam na sentimetro ang pagbaba ng lupa sa Malabon sa loob ng isang dekada. Ito ang dahilan kung bakit kinakain ng tubig ang mga dati nang mababang lugar kahit hindi umuulan.
Sa pagbisita ng "Investigative Documentaries" sa Merville Subdivision, nakilala ng programa ang ilang residente na patuloy pa ring namumuhay kahit lubog na ang karamihan ng kanilang ari-arian sa tubig-baha.
Pagtitiis
"Noong 1970 nang lumipat 'yung husband ko, sila 'yung may pinakamagandang bahay dito sa Merville. Pero noong katagalan, bumaba na 'yung lugar. Napamahayan na ng tubig," kuwento ni Michelle Linogon, residente ng Merville.

Hindi na nagagamit nila Michelle ang unang palapag ng bahay nila. Pinatambakan na kasi nila ang ilang parte nito. Wala nang silbi ang dati nilang sala sa bahay pati ang mga kuwarto na hindi na nila ngayon matulugan.
"Dati may nakalagay na piano [sa sala] ngayon wala na, nadurog na rin sa baha. Itong kuwarto dating masters' bedroom, ngayon isa na siyang malaking aquarium. Hinahayaan na lang namin iyong mga tilapia na pumasok. Pinapakain na lang namin," kuwento niya.
"Malaking bahay siya. Kung noon, halos lahat makakakilos pero ngayon, kung ano lang 'yong pinatambakan 'yon lang ang nagiging kilusan namin," dagdag niya.
Katulad ng bahay nina Michelle, lubog din sa tubig-baha ang bahay ng isa pang residente ng Merville na si Condrada Perez.
"Itong bahay namin walang laman. Wala akong pambili, kung makabili man babahain din," sabi ni Condrada. "Gustuhin man naming lumipat, wala kaming panlipat. Gusto mang ipataas wala kaming pantaas. Tiis na lang kami sa ganitong buhay."

May halagang P5,000 ang nagastos ni Condrada sa pagpapatambak sa bahay. Nagpatayo rin siya ng kubo para may masilungan silang mag-anak kapag mataas ang baha. Inutang lang niya ang P4,000 na pampagawa nito.
"Umpisa ng ulan, makikita namin pa-umpisa ng laki ng tubig. Sumisigaw na ako sa mga apo ko, sa mga anak ko na magligpit at lumipat sa kubo," kuwento niya. "Minsan nga biglaang lipat nila hanggang sa baywang na ang tubig, pasan-pasan 'yung mga bata."
Dahilan ng paglubog
Tatlong beses nang pinataasan ng Department of Public Works and Highways ang kalsada sa Brgy. Dampalit, Malabon.
"Iyong pagtaas ng kalsada talagang unang-unang solusyon natin para ang economics hindi maiiwan kasi ang kalsada kapag hindi itinaas, talagang hindi tayo makakakilos dito,” paliwanag ni Kapitan Joey Sabalicos ng Brgy. Dampalit, Malabon. “Ang tao naiiwan sa bahay, hindi nakakalabas at hndi nakakatrabaho.”
Ngunit ayon kay Paolo Alcazaren, architect at urban planner, hindi epektibong solusyon ang pagpapataas ng mga kalsada.
“Ang inaatupag lang ng gumagawa ng kalye ay iyong kalye. Pero babaha sa mga subdvision at residential area na naiiwan. Itinatapon lang iyong problema sa kabila,” sabi niya.
Isa pang dahilan sa mabilis na paglubog ng maraming bahagi ng Metro Manila, tulad ng Malabon, ang labis na pagkuha ng tubig mula sa poso at deep wells.
Ayon sa Natural Water Resources Board, aabot ng 2.5 million cubic meters kada araw ang tubig na kinuha sa Metro Manila noong 2003. Katumbas ito ng tubig na pupuno sa 1,000 swimming pools.
"Dahil sa fresh water extraction kapag in-extract mo ang tubig, hindi mo puwedeng ibalik iyon sa abang area dahil gallng iyon sa clay. So iyong tubig pag mage-extract ka, bababa nang bababa [ang lupa,” paliwanag ni Alcazaren.
Ayon sa World Bank, sa 2060 tataas ang tubig sa dagat nang 50 cm hanggang 100 cm sa 2090. Ito ang isa dahilan kung bakit hindi malayong permanenteng lumubog sa tubig ang Metro Manila kung patuloy na magtaas ang sea levels at pagbaba ng lupa rito.
“Tayo ngayon ay 7,107 islands. Darating ang panahon kung talagang tataas ang sea level rise ay baka 7,100 na lang o 7,050 islands na lang tayo,” paliwanag ni Voltaire Alferez, national coordinator ng Aksyon Klima. “At sa bawat pagkawala ng lupa ay may direct economic impact sa komunidad dahil mawawalan sila ng kabuhayan.”
— Bernice Sibucao/CM, GMA News

More Videos
Most Popular