ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'BunDoktor' sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
24 APRIL 2014 EPISODE
BunDoktor


 

May mga lugar sa bansa na hindi pa nakakakita ng doktor sa buong kasaysayan ng mga ito. Ilan sa mga ito ang unti-unting pinapasok ng mga doktor sa ilalim ng Doctor to the Barrios program ng Department of Health. Sinimulang ipatupad ito sa ilalim ng pamumuno ng dating kalihim nito na si Sec. Juan Flavier 20 taon na ang nakararaan. 
 
Ngayon, halos 800 doktor na ang naging bahagi ng programang ito. Isa na rito si Doc Calvin Lagutin, na sumali sa programa noong Nobyembre 2013. Sa bulubunduking bahagi ng Abra ang destino niya, isa sa geographically isolated and disadvantaged areas o GIDA ayon sa DOH.  

Ang Tineg, Abra, ay 17 taon nang walang doktor. May health center sa ibang barangay pero wala itong lamang gamit at gamot. Dahil malayo sila sa bayan, hindi agad nagtutungo sa ospital ang mga residente kahit sila ay may iniindang sakit. Kaya naman si Doc Calvin ang nagpupunta sa kanyang mga pasyente sa itaas ng bundok.  Pero limitado ang tulong na kayang ihatid ng doctor to the barrios dahil hindi rin sapat ang kanilang baon na gamot, at madalas ay dapat talagang sa ospital gawin ang gamutan.
 
 
Kilalanin ang ilan sa mga doktor na nagsasakripisyo sa ngalan ng serbisyo publiko. Manood ng Ivestigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.  
 
Tags: plug