ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Batang Bakwit' sa 'Investigative Documentaries'
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
3 JULY 2014 Episode
BATANG BAKWIT

Sa sitwasyon daw ng mga bata makikita ang estado ng isang bansa.
Setyembre 2013 nang mangyari ang bakbakan sa Zamboanga City. Dalawampung libong pamilya ang kinailangan lumikas. Mahigit 100 ang namatay at mahigit 200 ang nasugatan. Matapos ang 10 buwan, tuloy pa rin ang pakikipaglaban ng mga komunidad na nagbakwit tungo sa evacuation sites. Anim ang evacuation centers na kanlungan ng mahigit 3,000 pamilya.

Ang mga batang tulad nina Radzmin at Al Shariff na kapwa 10 taong gulang ay ilang buwan nang nakatira sa Sports Complex ng Zamboanga City. Sa halip na sila ang alagaan ng komunidad, sila ang gumagawa ng paraan para may maiuwing pera sa pamilya. Sa pantalan, umaakyat sila sa barko para magtinda ng mineral water.

Si Radzmin ay nag-aaral pa rin pero si Al Shariff ay huminto na. Sabik na silang makabalik sa dati nilang bahay at buhay pero di tiyak kung mangyayari pa ito. Di rin tiyak kung makatatagal pa sila sa peligro ng pamumuhay bilang Batang Bakwit.
Alamin ang sitwasyon ng mga Batang Bakwit sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug
More Videos
Most Popular