ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Rewind' sa 'Investigative Documentaries
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
25 September 2014 Episode
REWIND

Hindi pa uso noon ang malls kaya para makapanood ng pelikula, kailangang sadyain ang mga sinehan. Dinudumog ng mga tao ang Avenida sa Maynila tuwing may premiere night.
Sa likod ng kalmadong eksena sa loob ng sinehan ay ang mabilis na maglakad at mag-pedal na lagarista. Sila ang tagahatid ng film reel na gamit para maipalabas ang pelikula.
Pagpasok ng dekada nubenta, unti-unting nalaos ang mga sinehan dahil nauso ang malls. Nauso naman ang digital, at nabura din ang mga lagarista.

Nawala rin ang isang uri ng sining sa pagbabago ng panahon: ang mga iginuhit na billboards ng pelikula. Apatnapung talampakan ang pinakamalaking sukat nito at inaabot ng walong oras ang paggawa nito. Pati ito ay nawala na sa pagpasok ng makabagong teknolohiya.

Maging ang sulat ay papawala na rin. Taong 1767 nang buksan ang unang post office sa bansa. Ngayon, endangered species na ika nga ang mga kartero at ang sulat kamay na mga liham. Mahigit 400 tanggapan ng Philpost ang nagsara na.
Samahan ninyo kaming balikan ang iba't ibang trabaho na binura na ng modernisasyon.
Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular