ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Updated' sa 'Investigative Documentaries'
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
OCTOBER 02, 2014
UPDATED
Nitong Hunyo ay itinampok namin ang umano’y overpriced na view deck sa Tarlac. Umabot sa P17 million ang gastos sa view deck na may habang 372 meters. Bahagi raw ito ng ecotourism at beautification project ni Mayor Gelacio Manalang ng Tarlac City.
Nobyembre 2014 daw matatapos ang proyekto. Pero nang manalasa ang bagyong Luis nitong Setyembre, wasak ang halos 30 metro ng riprap ng viewdeck. Dismayado ang mga residente sa kinahinatnan ng proyekto.
Sa Metro Manila, walang tigil ang pagpipintura ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga pader at iba pang pampublikong lugar. Nitong Agosto ay sumama kami sa MMDA nang burahin nila ang mga sulat sa pader sa Philcoa sa Quezon City. Makalipas ang mahigit isang buwan lamang, nanatili kayang malinis ang pader?
Balikan natin ang ilan sa mga isyung minsan naming tinalakay at alamin kung ano ang naging resulta pagkatapos itong maipalabas.
Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular