ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Pagbasa, pag-asa' sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
6 November 2014 Episode
PAGBASA, PAG-ASA
Ngayong Nobyembre ay National Reading Month ayon sa Department of Education o DepEd.  Sa mga nakalipas na taon, unti-unti nang bumababa ang mga may interes sa pagbabasa, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Si Rey Bufi ang founder ng “The Storytelling Project.” Bumibisita siya sa mga liblib na lugar sa bansa para magturo ng pagbasa at mamigay ng libro. Tatlong taon na niya itong panata kasama ang ilang kaibigan. Tumitira rin sila ng tatlong linggo sa komunidad na binibista para magkuwento sa mga bata sa loob ng isa at kalahating oras araw-araw.
Sa Dagupan City naman, ang librarians mismo ang nagtutungo sa mga barangay para turuan ang mga batang magkaroon ng interes sa pagbabasa sa murang edad pa lamang. 
 
At sa Makati City, isang pribadong tao ang nagtayo ng aklatan na maaring hiramin o kunin ng mga may gusto nito. Sa kabila nito, hindi nauubusan ng libro ang aklatan dahil sa dami ng mga nagbibigay rito ng libro.
 
Kilalanin ang mga taong tumutulong para kahiligan ng mga bata ang pagbabasa. Kilalanin din ang mga taong dahil sa hilig sa pagbabasa ay naging matagumpay sa buhay kahit mula sa mahirap na pamilya.
 
Huwag pahuhuli sa mga bagong kaalaman, manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, 8:00 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.