ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Aksaya' sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
November 20, 2014 Episode
AKSAYA
Oktubre 2013 nang itayo ang steel footbridge sa Philcoa, Quezon City. May elevator sa magkabilang dulo nito. Proyekto ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa halagang P30 million.
Ang reklamo ng mga tao, walang pakinabang ang elevator dahil hindi naman daw ito umandar kahit minsan.
 
Sa Pasig City, nagkalat ang mga outpost na ipinagawa ng lokal na pamahalaan para sa mga tauhan ng Batas Ciudad Enforcement Office (BCEO) at Traffic and Parking Manangement Office (TPMO) ng Pasig.
Ang problema, hindi naman ito nagagamit. Tinambakan na ng basura ang ilan sa mga ito. May nakakandado at meron ding abandonado, at ang iba ay tulugan ng mga palaboy.
May mga bagong rampa naman para sa may kapansanan sa Aurora Boulevard sa Cubao. Kakaiba ang puwesto ng mga ito dahil pag ginamit, dadausdos sa kalsada ang gagamit nito.
 
Alamin ang mga proyektong ginamitan ng ating pondo. Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, 8:00 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.