ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Bagong taon, bagong tao' sa 'Investigative Documentaries'


BAGONG TAON, BAGONG TAO
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
January 08, 2015 Episode

Mahilig mag-shopping si Abbie, dating call center agent at ngayon ay may online business. Minsan ay umaabot sa P16,000 ang gastos niya sa isang araw na pamimili ng sapatos at damit. Nagiging ugat na ito ng pagtatalo nilang mag-asawa, dahil hindi naman niya nagagamit ang lahat ng kanyang binibili.

Ngayong taon, gusto na ni Abbie na magtipid. Pangako niya sa sarili na magiging masinop na sa pera para sa tatlong buwan niyang anak. Kaya kaya ni Abbie na tuparin ang kaniyang pangakong ito?


Si Romeo, mahilig sa sugal at sabong ang paborito niyang libangan. Ang kita niya sa pamamasada ng tricycle ay sa bisyo napupunta. Inaabot siya ng magdamag sa pagsusugal.

Disyembre 2013 ay nangako si Romeo na magbabago na at babawasan ang sugal. Binalikan namin si Romeo. Natupad kaya niya ang kanyang resolution?

Alamin kung ano pa ang gustong baguhin sa sarili ng ilan nating kababayan at kung kaya nila itong tuparin.

Huwag kalimutang manood ngayong Huwebes ng Investigative Documentaries, 8:00 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.