ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Cancer' sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
15 January 2015 Episode    
CANCER

Dose anyos si Cliford nang matuklasan na siya ay may cancer sa buto. Pebrero 2013 ay kinailangang putulin ang kanyang kanang kamay para maiwasan ang paglala ng sakit. Dahil sa cancer ay huminto na sa pag-aaral si Cliford. Dapat ay grade 7 na siya ngayon. Dalawang taon na siyang pabalik balik sa ospital at ito na ang nagsilbi niyang classroom.

Hindi pinanghinaan ng loob si Cliford. Nililibang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpipinta. Nagsisikap din siyang magsulat gamit ang kaliwang kamay.

Noong 2008, may mahigit tatlong libong bata sa Pilipinas edad kinse pababa ang may cancer, ayon sa Cancer Warrior Foundation.

Hindi biro ang gastusin para gamutin ang pasyente tulad ni Cliford. Aaabot sa halos P60,000 ang bayad sa bawat session ng chemotheraphy. Sa kaso ni Cliford, kailangan siyang sumailalim ng labingwalong session ng chemotheraphy. Umaasa ang nanay ni Cliford sa tulong ng mga pribadong grupo gaya ng Kythe Foundation.

Philhealth member ang tatay ni Cliford na isang sundalo pero hindi nila ito napakikinabangan. May tinatawag na Z Benefit Package ang Philhealth para sa mga may sakit na cancer. Ang problema, hindi kasali sa mga sakop ng programa ang sakit ni Cliford.

Ngayong National Cancer Consciousness Week, tampok sa ID ang kwento ng mga nakikipaglaban sa sakit na ito at kung magkano ang kailangan para gumaling. Aalamin din natin ang mga makabagong paraan para gamutin ang cancer.

Huwag kalimutang manood ngayong Huwebes ng Investigative Documentaries, 8:00 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.