ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga pangangailangang inaaksaya: ano ang halaga ng bigas sa bawat Pilipino?

INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
12 February 2015 Episode
BUTIL

Tatlong beses isang araw, nasa mesa ng karamihan ng pamilyang Pilipino ang kanin.
Pero sa araw-araw, kada Pilipino raw ay nagsasayang ng tatlong kutsarang kanin. Katumbas ito ng mahigit tatlong kilo kada tao, kada taon, ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI).

Para sa magkaibigang Marimar at Pacquiao, ang bawat almusal, tanghalian, at hapunan ay resulta ng maraming oras ng hirap. Iniikot nila ang Binondo at Delpan sa Maynila para manghingi ng kanin sa mga karinderya. Gumagawa rin si Marimar ng paraan para makapag-uwi ng kanin sa mas bata pa niyang kapatid.
Kabilang ang mga gaya nina Marimar at Pacquao sa mahigit isa at kalahating milyong pamilya na walang sapat na kita para bumili ng pagkain, ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB).
Tatlong karinderya ang binantayan ng Investigative Documentaries. Paano nasasayang ang kanin sa ganitong uri ng negosyo? Sa bawat bahay, saan nangyayari ang pagkasayang ng mga butil? Alamin ang sagot ngayong Huwebes, 8:00 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

More Videos
Most Popular