ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang sunog at bumbero, tatalakayin ngayong Huwebes sa Investigative Documentaries



Noong 2014, mahigit apat na libong sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa buong bansa. Sa Metro Manila, ang Tondo ang isa sa palaging nagkakaroon ng sunog. 

Kung susundin ang international standard, dapat ay sa loob lang ng limang minuto ay nakarating na dapat ang bumbero sa nasusunog na lugar.


 
Hindi ganito ang kadalasang nangyayari sa atin. Kulang nang mahigit sa isang libong fire truck ang BFP. Malaking tulong ang mga fire volunteer pero hindi ito sapat para maapula agad ang lahat ng sunog.

Bukod sa kakapusan ng truck, ang masisikip na kalsada ang dahilan kung bakit mabagal dumating ang ayuda kapag may sunog. Sa kalye naman, ang mga Pasaway na drayber na hindi itinatabi ang sasakyan ang isa pang dahilan ng pagbagal ng biyahe ng fire trucks.


May mahigit 5,000 fire hydrants tayo sa bansa, pero halos 2,000 dito ang sira na. Ninanakaw din ang tubig na nanggagaling dito.


Alamin ang mga kuwento ng ating mga bumbero at kanilang mga problema sa pagtupad ng tungkulin. Manood ng Investigative Documentaries, 8:00 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.