ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga pagsubok na pinagdaraanan ng solo parents, tutukan sa Investigative Documentaries



NayTay
Nanay na, Tatay pa
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES


Mahirap maging ina at ama, lalo na kung mag-isa lang ang tumatayong magulang. Ayon sa UP National Institute for Health noong 2011, halos 14 na milyon ang single parent sa Pilipinas.

Ang hindi alam ng marami, may batas na tumutulong sa mga pangangailangan ng solong magulang para maitaguyod ang kanilang anak. Ito ay ang R.A 8972 o Solo Parents Welfare Act. Naipasa ang batas noong taong 2000 pa, pero sa informal survey na aming ginawa, lumabas na sa 100 tao na aming nakausap, anim lang ang may ideya na may batas para sa mga single parent. Ang 94 na tao ay ngayon lang narinig ang tungkol dito.

Hindi rin alam ng single parent na si Angelina ang batas.  Malaking tulong sana ito sa pagtataguyod niya sa kaniyang anim na anak. Mula nang mamatay ang una niyang asawa, at nilayasan naman siya ng sumunod niyang nakarelasyon, pinipilit niyang buhayin ang mga anak sa paglalabada.
Kung susundin ang batas, tungkulin ng pamahalaan na magbigay ng livelihood assistance sa mga gaya ni Angelina bukod sa marami pang ibang benepisyo. Kailangan lang niya magkaroon ng solo parent ID para matamasa ang mga ito. Ang malungkot, wala naman alam si Angelina tungkol dito. Bukod sa wala siyang ID, hindi rin niya alam kung paano at saan makakakuha nito.

Alamin ang sitwasyon ng mga single parent sa bansa, ngayong Huwebes sa Investigative Documentaries, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!