ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Ang pagsira sa mga makasaysayang gusali, sisiyasatin sa 'Investigative Documentaries'

INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
KasaySAYANG
April 30, 2015
Sikat na destinasyon ang Corregidor Island sa mga turista. Ang hindi alam ng marami, araw araw ay may pagguho sa isla at darating ang panahon na wala ng matitirang istruktura kung hindi maaagapan ang problema.
Wala raw kasing pondong natatanggap ang pamunuan ng Corregidor mula sa pamahalaan.

Ang gusali ng El Hogar sa Escolta ay itinayo noong 1914. Abandonado na ito ngayon. Nanganganib na rin itong ipagiba ng bagong may-ari nito.

Sa Escolta rin makikita ang Capitol Theater. Itinayo ito noong 1935 at idinisenyo ni Juan Nakpil na isang National Artist for Architecture. Matagal ng sarado ang sinehan. Hindi na ito napapanatiling maayos ngayon.

Halos isangdaang taon na ang bahay ni Lolo Narding sa San Nicolas district sa Binondo, Maynila. Karamihan ng mga bahay sa komunidad ay hindi nasira noong digmaan, pero kaunti na lang ang mga bahay na naalagaan. Ang iba ay giniba na at pinalitan na ng mga gusali.
May pag-asa pa bang makita ng susunod na henerasyon ang mga makakasaysayang istruktura sa bansa? O tuluyan nang masasayang ang bakas ng ating kasaysayan?
Alamin ang sagot sa "Investigative Documentaries" ngayong huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!

More Videos
Most Popular