ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Isyu ng animal cruelty, tatalakayin sa 'Investigative Documentaries'




Pilipinas ang kinikilalang “Dog Capital of East Asia”.  Ibig sabihin, sa bawat walong tao sa bansa, isa ang may alagang aso.  Hindi lahat at mapalad sa kanilang amo.  Ang iba kasi ay napapabayaan. Kulang din sa tamang impormasyon ang ibang pet owners para matiyak na naaaruga nila ng wasto ang kanilang mga alagang hayop.
 
May mga kaso rin ng pang-aabuso sa mga hayop. Ayon sa Philippine Animal Welfare Society o PAWS, noong 2014 ay umabot sa 30 aso, 11 pusa at 3 dolphins ang naging biktima ng karasahan. Kahit may batas na dapat magbigay ng proteksyon sa mga hayop ay may lumalabag pa rin.


 
Kahit ang Manila Zoo na kauna unahang zoo sa Asya na nagbukas noong 1959 ay maraming kinakaharap na problema.  Isa na rito ang unti unting pagkawala ng mga hayop.  Dati ay may apat na giraffe sa Manila Zoo pero mahigit isang dekada na mula ng huling makita ang mga giraffe doon.  Bukod sa giraffe, wala na ring chimpanzee, zebra at orangutan sa Manila Zoo.  Sa aming paglilibot, kapansin pansin na may mga kulungang walang lamang hayop.
 
Alamin ang ang sitwasyon ng mga hayop sa bansa. Manood ng Investigative Documentaries ngayong huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!