ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Reklamo tungkol sa pagpaparetoke, sisiyasatin sa 'Investigative Documentaries'
Investigative Documentaries
Reklamo
July 16, 2015
Pangarap ni Ellowe, 23 ang maging artista. Palagi siyang sumasali sa mga audition at talent search sa pelikula man o telebisyon. Mukha ang kanyang puhunan para magkaroon ng maraming raket.
Ito rin ang dahilan kung bakit ginusto niya na ipaayos ang kanyang ilong at baba para mas maging kaaya-aya ang kanyang hitsura. Ipinagkatiwala niya ang pagreretoke sa isang kakilala ng kaibigan. Nakabuti naman ang pagpapatangos niya ng ilong at pagpapalagay ng cleft chin.
Ang masaklap, pagkatapos ng dalawang taon, unti-unting nasira ang mukha ni Ellowe. Hindi pala totoong surgeon ang gumalaw sa kanyang ilong at baba. Naimpeksiyon ito at tuluyang binago ang dati niyang maamong mukha.

Matunton pa kaya ni Ellowe ang taong gumawa nito sa kanya? Paano niya mapapanagot sa batas ang sumira sa kanyang mukha.
Ito at ang iba’t ibang reklamo na aming natanggap ang dapat abangan sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes , alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!
More Videos
Most Popular