ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Batang may malnutrisyon, babalikan at kukumustahin ng 'Investigative Documentaries'


Investigative Documentaries
Kumusta Na?
October 8, 2015
 
Ngayong Huwebes, kakamustahin ng Investigative Documentaries ang mga natatanging kuwento na nagawa ng Investigative Documentaries na nagkaraoon ng pagbabago.



Ang walong taong gulang na si Jasmine, pang talong taong gulang lang ang timbang.  Pumapasok si Jasmin sa eskwelahan na walang laman ang tiyan.  Wala kasing pera ang magulang ni Jasmin para makakain sila ng lima pa niyang mga kapatid ng tatlong beses sa isang araw.  Kwento ni Jasmin, tuwing nagugutom siya, umiiyak na lang siya at umiinom ng tubig para maibsan ang sakit ng kaniyang kumakalam na tiyan.
 
Pero matapos ipalabas ng Investigative Documentaries ang kwento ni Jasmin, marami ang tumawag at nagpaabot ng kanilang tulong sa bata at kaniyang pamilya.  Dahil sa mga tulong, unti-unting bumubuti ang kalusugan ni Jasmin.

Bukod kay Jasmin, kakamustahin rin ng Investigative Documentaries ang iba pang mga natatanging kuwento ng katatatagan ng ilan mga Pilipino.  Tulad ni nanay Christie Buo na buo ang loob na lumaban sa kabila ng tatlong anak na niya na tila nilumpo na ng  sakit na muscular. Gugunitain rin ang tapang ng 14 anyos na batang si Clifford Manatad sa kaniyang pakikipaglaban sa cancer sa buto.



Sisingilin rin ng Investigative Documentaries ang mga hindi matapos-tapos na proyekto ng gobyerno tulad ng nakatenggang palengke sa Rodriguez, Rizal na pitong taon nang natapos pero hanggang ngayon, hindi pa rin napapakinabangan.  Maging ang solusyon sa mala-forever na problema sa traffic sa Metro Manila, kakamustahin ng ID.



Abangan ang Investigative Documentaries ngayong Huwebes , alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!

Tags: plug