ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagsugpo ng katiwalian sa Indonesia, tatalakayin sa 'Investigative Documentaries'


#IDIndonesia
October 15, 2015 



Marami raw pagkakahawig ang bansang Pilipinas at Indonesia.
 
Tulad ng Pilipinas, isa rin sa mahahalagang laban ngayon ng Indonesia ay ang pagsugpo sa katiwalian.  Noong 2013, kinilala ng Ramon Magsaysay Award Foundation ang Corruption Eradication Commission ng Indonesia dahil sa epektibo nitong paglaban sa katiwalian.
 
Bukod sa magkapitbahay sa South East Asian region, parehong nagpatalsik ng diktadurya at mapang-aping rehimen. Parehong naglunsad ng people power revolt at reformasi movement at parehong hanggang sa ngayon humaharap sa laganap na katiwalian.



Masigasig ang gobyerno ng Indonesia sa pakikipaglaban nito sa katiwalian.
 
Sa katunayan, nakasaad sa kanilang batas na bawal tumanggap ng kahit na anong regalo, simple man o magarbo ang sinumang opisyal o empleyado ng gobyerno mula sa kahit na sino na may kinalaman sa kanilang trabaho sa gobyerno.
 
Lahat sakop ng batas. Mula sa pangulo, mga ministro, pinuno ng lokal na pamahalaan, mga hukom, imbestigador, clerk, mga pulis, militar, mga empleyado ng mga bangko at ng gobyerno, pati na ang mga guro.



Sa aming espesyal na pagtatanghal ngayong Huwebes, alamin natin kung paano sinasalat ng Indonesia ang korupsyon sa kanilang bansa at ano ang mga aral na maari nating matutunan mula sa kanila.
 
Abangan ang unang bahagi ng aming pagbisita sa Indonesia. Tumutok sa Investigative  Documentaries  ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!  

Tags: plug